i was a cute kid back in my elementary days.
chubby. chinky eyed. at wag ka, maputi din ako.. DATI.
(oo nga pala, sinulat ko tong draft na to habang
"nakikinig" sa PTA program ng grade 4 kong kapatid
na si Gino. Tama, proxy nga ako ng nanay ko. haha.
anyway, back to the post)
flag ceremony. 7:00am. kotse ni lolo.
"Kuya, gising na! Nandito na tayo sa school!" sigaw ng bata
kong kapatid na si Pia.
Mulat.
Kuskos ng mata.
Unat ng konti.
Hikab.
Punas ng laway sa gilid ng bibig.
Tingin sa salamin.
6:30 ang start ng ceremony. Ayos.
Tapos na yung "Bayang Magiliw".
Lagi nalang naabutan eh yung last
few lines ng Roosevelt College Hymn.
"...Thy glory fame, we'll all defend,
thy children dear we will ever be.."
(sa taas ng tono nito wala ka nang
maririnig na estudyante. kung meron man,
SINGTONADO na ang loko.)
Dulo nanaman ng pila.
Pulbos sa leeg.
Butil-butil na pawis sa
taas ng bibig at ilong.
Nameplate na sinlaki ng
billboard sa Edsa.
Lunchbox na blue.
Stroller na Power-Rangers.
Jug na blue.
Black leather shoes.
White socks na abot hanggang
langit.
POGI.
Nẹp nhôm cầu thang NNCT01 43×28
-
- Kiểu nẹp: nẹp cầu thang
- Chất liệu: Nhôm
- Màu sắc: nhiều màu sắc như ảnh. Hoặc theo yêu cầu
- Kích thước: 43mmx28mm hoặc Việt Gia có...
10 months ago
3 comments:
haha naalala ko nga un roosevelt college hymn na pagkataas taas :D
hehehe. amp na hymn un. nung pinatugtog alam ko parin lyrics!xD
ay! parang short story for kids na naka-locate sa planeta ni Little Prince na napunta sa Pugad Baboy na na tsumismis muna kay Gabriel Garcia Marquez bago naki-c.r. kay Pekto. :) like ko sya. ewan ko kung bakit :)ola! from the Tunay na Veyklas! (http://tunaynaveyklas.blogspot.com)
Post a Comment